Ang Limang Pandama

Bulag ka ba?
Hindi ba makita..
Nakikita aking mga mata?

Ikaw ba’y bingi?
Marinig ba’y hindi..
‘Di madinig aking hikbi?

Amoy mo ba?
Ang kandilang nanliit..
Sa nag-aapoy na galit

Masasabi ko pa ba?
Mahal na mahal kita..
Kahit ang sakit sakit na talaga

Dama mo ba?
Hanggang kailan pa ba?
Tama na ba?

Advertisements